2013 and beyond …

1 10 2013

Mulit muli, pinadpad ng hangin magmula sa lupain ng disyerto sa gitnang silangan ang aking mga pakpak … pabalik sa pugad. mahigit isang taon narin pala ang lumipas sa muli kong pag balik pugad.

Makalipas ang ilang sigwa at unos sa daloy ng diwa, ng pagpapahingalay sa pagal na damdamin.. nabaon rin sa limot ang mga kirot at naghilom ang sugat.

Muling nasumpungan ang pagiging abala.. ng isipan, pisikal at espiritwal na kaanyuan.

Nagkayun nga, marami-rami na namang bagong kaalaman na natutunan at nasumpungan, sa ibabaw at ilalim ng aking roof garden.

Isa na rito ang pagbibigay buhay sa mga puti at pulang manok… sa pagpapalaki sa kanila upang pagkunan ng sariwang karne at itlog.

Kalaunan naman ay ang pag papa hatch ng itlog ng brown chickens, ang pabibigay buhay sa mga sisiw sa artipisyal na pamamaraan. Ngayon ko lang napagtanto…. bukod tanging AGILA pala ako na sa halip dagitin ko ang sisiw at lapain ay binibigyan ko pa sila ngayon ng buhay at napaka ecstatic ko sa tuwing may isang sisiw na lumalabas sa kanilang egg shell after 20~21 days of incubation… ito na ba yung happiness na di mabibili ng salapi?

Maging ang pag aalaga ng isang baboy sa aking roof garden ay napag kaabalahan, dito ko lubos na napag tanto… ang baboy nga ay talagang nakaka highblood! hindi dahil sa pagkain ng karne nito… kundi dahil sa stressful na pag papalaki nito. sa bawat araw, nauuna pa itong mag ingay kaysa sa pagtilaok ng mga tandang dahil ito’y gutom na… pero sa kabilang banda, kapag nakasayan na rin ang bawat gawain, napapagtanto din naman na malaking stress management din ang masusumpungan. Mahigit apat na buwan ko na syang inaalagan at napagtityagaan ko pa rin….

Pati na rin ang pag aalaga ng mga bibe… at ng mga hito sa roof deck fish tank.

Patuloy rin namang umusad ang mga bahagi ng long term masterplans, mga bahagi ng aking “Cosmos Home Farm” masterplan… idagdag ko na rin dito ang bagong “Sunflower Tower Farm” … ang Phase 2 Masterplan …

Ang indoor rainwater collecting tank cum fish tank ay nasimulan narin at nasubukan na ring mapuno ng nakolektang tubig-ulan nitong mga nakaraang habagat, dangan lamang ay hindi pa nabahiran ng proteksyon sa tagas. nalagyan ko na rin ito ng isang pares na hito… at anong saya nilang naglulundan sa tuwing dadaloy ang tubig ulan magbuhat sa overlowing roof tank.

At nakapag aral din ako ng pag Welding… pero totoo nga, masakit sa mata kapag baguhan pa rito.

Maging ang pisikal na kalakasan ay napagtuunan ng atensyon, ang pag donate ng aking dugo na ikalawang ulit din nagampanan ngayong taong ito. napakasarap sa pakiramdam ng makapaghandog ng likido ng buhay sa mga higit na nangangailangan nito.

Unti-unti rin naman lumago ang espritwal na presensya sa pamamagitan ng pag-aaral ng banal na aklat at ang patuloy na pakikipagpalitan ng kuro-kuro at karanasan sa mga kapatiran patungkol sa pang araw araw na daloy ng buhay, na kung saan ay nagaganap di man natin mapagtuunan ng higit o malalim na pangunawa… tunay nga, ang bawat pangyayari sa ating buhay maliit man o malaki, pagtatagumpay man o pansumandaliang pagkabigo… ay dumarating at napangyayari.. dahil narin sa pagnanais ng ating Panginoong Lumikha sa ating lahat. sa kanyang pagnanais na matunghayan sa bawat isa sa atin… kung anong layunin sa mundong ito tayo ay itinakda.

Bawat isa sa atin ay kahalintulad ng isang punong itinanim at sumibol mula sa binhi.. yayabong sa bawat pag sikad ng panahon, magmamalas sa bawat pagpapalit ng araw at dilim, sa matinding init ng tag-araw at kapagdakay tagulan.. magiging survivor ng mga unos, bagyo at pagbaha…  magiging mayabong sa mga dahon ng karunungan at karanasan… at magtataglay ng bunga, na mas higit na kapaki pakinabang sa bawat makaka lasap nito.

hinog na ang mga bunga, hitik at puspos ng pag papala ng lumikha.

panahon na naman…  harvest time na naman!

ito ang panahon upang muli kong ikukumpas sa himpapawid ang aking bagwis.. upang sa muling pag bugso ng dakilang anyong hangin, ay iduduyan ang mga pakpak papa alimbuyog sa alapaap…

lipad na haring ibon sa dako pa roon…

Lakbayin muli ang kalawakan, tuntunin ang landas na itinakda… sa ikatatagumpay ng dakilang adhikaing alay sa pangkalahatan… sa ikatatagumpay ng dakilang lahing Pilipino… kamtin ang pag papala at kaluwalhatiang handog ng ating Dakilang Panginoon.


Actions

Information

2 responses

2 10 2013
aninipot

hello sir hari,

ang tagal na pala bago ako nakadapo dito sa blog nyo.
ako din maraming nangyari at maraming natutunan. Exactly one year na ako sa Cebu. Haha! kung saan-saan na naman ako lumipad pero masaya.

ang dami nyo palang nagawa at sa roof garden pa. wow!

6 10 2013
Haring Ibon

hi ani, ako rin nga eh tagal kong di nakapag log in dito. halos isang taon nakalipas one or two post lang. pero di bale at least di man busy sa blog busy naman sa mga mahalagang bahagi ng ating buhay… buti kapa naka rating na ng cebu.. ako siguro some other time pa. maganda ba dyan?

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: